-- Advertisements --
trump ecstacy 2

Dinakip ng mga otoridad sa Berdfordshire, United Kingdom ang isang lalaki dahil sa kaniyang bitbit na ecstasy pills na hugis mukha ni United States President Donald Trump.

Kaagad namang ikinulong ang 30-anyos na suspek sa hinalang ito ang nagsu-supply ng pills na kilala rin bilang MDMA o molly.

Dahil dito ay nagbaba ang mga pulis sa publiko na huwang tangkilikin ang naturang droga dahil ito ay lubhang delikado.

“Criminals are constantly finding new ways to sell their drugs and make them more appealing,” wikka ni detective sergeant Ryan Barnes. “We have seen MDMA tablets created to look like a number of culturally popular items before and a recent example of this is the ‘Donald Trumps.’”

“If you come across these or any other type of drug, please do not take them for your own safety, as you can never be sure what these pills contain,” abiso pa nito.

Ang sinumang gagamit ng nasabing driga ay makararamdam ng overheatinng, dehydration, mabilis na pagtibok ng puso, hallucinations at seizures.

taong 2018 ng masamsam ng mga otoridad sa Indiana ang parehong gamot na hango rin sa mukha ng American president. Makikita sa likod nito ang katagang “great again” na tila hango sa campaign slogan nito na, “Make America Great Again.”