-- Advertisements --

Patuloy na bumababa ang bilang ng mga lumalabag sa quarantine protocols, ayon kay PNP chief Archie Gamboa.

Sa virtual hearing ng House Defeat Covid-19 Committee (DCC), iginiit ni Gamboa na resulta ito ng mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Mula sa dating 8,000 violators noong Marso, sinabi sinabi ni Gamboa na bumaba na ito sa ngayon sa 300 hanggang 400 na lamang kada araw.

Kung dati kasi aniya ay maluwag pa sila sa mga violators, ngayon naging mahigpit na ang pulisya dahil kaagad na kinakasuhan na ang mga lumalabag sa quarantine protocls.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, mahigpit na ipinapatupad ang stay-at-home policy; suspendido ang public transportation; regulated ang food at essential services; at pinaigting ang presensya ng mga uniformed personnel.