CEBU CITY – Napagdesisyunan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na palawigin pa ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa lungsod hanggang Mayo 15.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Labella, ikinunsidera nila sa kanilang desisyon ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga COVID-19 patients sa lungsod, na sa ngayon ay umaabot na sa 311.
Ang mataas na bilang ay resulta aniya ng kanilang isinagawang massive testing sa mga lugar na may naitalang confirmed cases ng COVID-19.
Tiniyak naman ni Labella na babawiin ang lockdown sa Cebu City sa oras na makapagtala na ng “significant” na pagbaba ng COVID-19 cases sa lungsod.
Muling umapela si Labella sa publiko na magtulungan sa gitna ng kinakahrap na public health crisis upang sa gayon ay hindi na rin aniya lumala pa ang kanilang sitwasyon.
Nakatakda namang maghain ang alkalde ng executive order patungkol sa ECQ extension sa susunod na linggo.