-- Advertisements --

Hinikayat ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang Department of Education (DepEd) at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magkaroon ng subject ukol sa agriculture at automotive.

Dahil ito umano ang mas kailangan ng mga industriya.

Kasunod ito sa lumabas na datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maraming mga employer ang tumatangging kumuha ng mga empleyado na nagtapos sa senior high school.

Ayon pa sa ECOP na kapag naisama ang subject na agriculture at automotive ay mababawasan ang bilang ng mga job mismatch na tinatawag.