-- Advertisements --
Hindi 100 porsyentonng suportado ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang panukala ng Department of Labor and Employement (DOLE) na magkaroon na ng cashless payment sa mga pasahod sa empleyado para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr, na may mga empleyado na arawan ang nasabing pasahod.
Kung saan sa bawat araw ng kanilang pagtatrabaho ay araw-araw din ang kanilang pagsahod.
Magiging epektibo lamang ang nasabing cashless payment sa mga malalaking kumpanya na mayroong digital payment system na.
Magugunitang ipinanukala ng DOLE ang nasabing hakbang para hindi na magkaroon pa ng transmission ng nasabing virus.