-- Advertisements --

Problema ang kinakaharap ng mga mangingisda sa Baranagay Metro Lapaz at Barangay Talingaan dahil hindi sila makapalaot dahil sa Balikatan Exercices sa Laoag City.

Ayon kay Mr. Benigno Garcia, isang mangingisda, ang Balikatan Exercises ay nagbigay sa kanila ng malaking problema dahil pinagbawalan silang mangisda.

Aniya, wala pa silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno tungkol sa pansamantalang pagpapatigil ng pangingisda at wala silang abiso na natanggap.

Ayon dito, tatagal ang Balikatan Exercises nang tatlo hanggang apat na araw.

Dagdag pa niya, pagkatapos ng aktibidad ay maaari na silang mangisda muli ngunit nahihirapan sila dahil kakaunti na lamang ang kanilang nahuhuling isda dahil sa epekto ng Balikatan Exercises sa dagat.

Samantala, aniya, makakahuli sila ng maraming isda pagkatapos ng isang buwang pagkalma ng karagatan.