-- Advertisements --
image 23

Ayon kay ECOP Pres Sergio Ortiz Luiz, ang panukala kasi ng mga mambabatas ay para lamang sa mga white-collar jobs na kasalukuyan nang nagbebenepisyo sa mga government-mandated benefits na kinabibilangan ng mga pabahay at social security.

Ang naturang sektor aniya ay mayroon lamang 8 milyong miyembro, mula sa 50 million workers sa buong bansa, o katumbas lamang ng 16%.

Ang informal sector ay binubuo ng mga magsasaka, mangingisda, market vendors, drivers, at iba pa, na nakadepende lamang sa arawang kita.

Ayon kay Ortiz-Luiz, kung naka-pokus talaga ang mga mambabatas sa kapakanan ng mga manggagawa sa buong bansa, kailangang ikunsidera nila ang lahat ng sektor.

Nauna nang pinupuna ng ibat ibang grupo ng mga negosyante ang naturang panukala, dahil sa tiyak umanong magiging pasakit ang karagdagang P150 na idadagdag sa sahod ng mga mangagawa, lalo na at hindi pa tuluyang nakakabangon ang mga ito mula sa naging epekto ng pandemiya.

Pero ayon sa mga mambabatas na nagpapanukala nito, magiging malaking tulong ang naturang panukala sa mga mangagawa dahil sa labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.