Positibo umano ang reaksiyon ng business community sa Pilipinas ng mga incoming economic managers ng papasok na Marcos administration.
Pinuri ng kilalang ekonomista at financial analyst na si Astro del Castillo ang mga appointees ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Tinawag pa ni Del Castillo ang mga ito na mga technocrats at meron ng napatunayan tulad nina incoming Finance Sec. Benjamin Diokno, incoming Bangko Sentral Governor Felipe Medalla, incoming Trade Secretary Alfredo Pascual, at NEDA incoming director General Arsenio Balisacan.
Ayon pa kay Del Castillo ang kritikal din na kanilang inaabangan ay ang magiging appointees ni Marcos sa Department of Agriculture at Department of Energy.
Una rito maging ang Management Association of the Philippines at malaking grupo ng mga negosyante mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry ay pinapurihan din ang appointment ng mga economic managers ni Marcos na merong gagampanang mahalagang papel sa loob ng anim na taon upang tulungang bumangon ang Pilipinas mula sa epekto ng matinding COVID-19 pandemic.