-- Advertisements --
image 290

Inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi nakonsulta ang economic team nang iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang price ceiling sa bigas.

Aniya, nasa ibang bansa ang mga economic manager, kabilang ang mga kalihim mula sa Department of Budget and Management at National Economic and Development Authority (NEDA), nang ipahayag ng Malacañang ang desisyon.

Ayon kay Diokno, nagulat umano sila nang malaman ang EO ng Pangulo.

Matatandaan na oong Agosto 31, nilagdaan ni Pang. Marcos ang isang executive order na nag-uutos ng isang nationwide price control sa bigas kasunod ng pagsubaybay sa pagtaas ng presyo nito.

Ang kautusan, na nagsimulang magkabisa noong Setyembre 5, ay nakasaad na ang regular milled rice ay maaari lamang ibenta ng hanggang ₱41 kada kilo, habang ang price ceiling sa well-milled rice ay nasa ₱45 kada kilo.

Sinabi ni Diokno na alam ng pangulo na hindi mainam ang kondisyon ng pamilihan para maglagay ng price cap, ngunit ang talamak na pag-iimbak at pagmamanipula ng mga presyo ang nagtulak kay Pang. Marcos na maglabas ng naturang kautusan.

Sa kabilang banda, suportado naman ni DOF Sec. Diokno ang naging desisyon ng pangulo.

Gayunman, sinabi ni Diokno na ang price ceiling ay hindi dapat tumagal ng isang extension o pagpapalawig pa sa nakaatas na presyo ng bigas.