-- Advertisements --

Tinutukoy na ngayon ng Department of Finance at Department of Budget and Management ang posibleng pagkukunan ng pondo para sa Bayanihan 3, ayon kay Speaker Lord Allan Velasco.

Sinabi ni Velasco na sinabi sa kanya ni DOF Secretary Carlos Dominguez III at DBM Secretary Wendel Avisado sa isang virtual meeting noong Abril 88 na tinutukoy na nila ang pondong maaring magamit para sa Bayanihan 3, ang panukalang batas na naglalayong mapabilis ang economic recovery ng bansa na lubhang apektado ng public health crisis.

Pinasalamatan ni Velasco ang mga economic managers dahil sa nakikita na ng mga ito ang Bayanihan 3 bilang “lifeline” para sa mga Pilipino sa gitna ng critical COVID-19 situation.

Dati nang isinusulong ni Velasco ang pag-apruba sa Bayanihan 3 o ang Bayanihan to Arise as One Act, na naglalaman ng P420-billion stimulus package para sa ekonomiya.