-- Advertisements --

Inihayag naman ni BSP Gov. Felipe Medalla na recovery is underway sa pagharap ng economic team ng adminsitrasyon sa budget briefing ng 2023 proposed national budget.

Sa presentation ni Medalla sa budget deliberation sa Kamara, kaniyang binigyang-diin ang 7.4 percent na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas nitong 2nd quarter ng taon, patunay na aniya na nananatiling matatag ang economic growth prospect ng bansa.

Malaking ambag aniya dito ng mga ipinatupad na fiscal policy ni dating BSP Governernor at ngayon ay Finance Sec. Benjamin Diokno.

Bahagi nito ang pagtaas sa key policy rates, scaled down na pagbili ng government securities sa secondary market at ang unti-unting paghinto sa provisional advances sa national government kung saan kabuuang P300 billion na ang na-settle hanggang nitong May 20, 2022.

Tuloy-tuloy din ang aniya nag pag-lago ng mga bangko sa kabila ng pagtama ng covid-19 pandemic.

Inaasahan naman na pumalo sa 2.5 hanggang 4.5 ang headline inflation na nakabatay rin sa presyuhan ng dubai crude oil.

Bahagi rin ng roadmap ng BSP ang pagpapalakas s digital platforms.

Target aniya nila na sa 2023 70% ng filipino adults ay magkaroon ng digital transaction account.