-- Advertisements --

Kumpiyansa ang mga ekonomista sa bansa na magbubukas ng malaki at maraming potensyal sa Pilipinas ang partikular na sa mass media at renewable energy, ang pagsasagawa ng Economic Charter Change.

Ayon sa Foundation for Economic Freedom, ang panukalang pag amyenda sa 1987 Constitution ay magtutulak sa paglago ng ekonomiya ng bansa at magde-develop sa kakayahan ng bansa sa larangan ng global economic landscape.

Suhestiyon din ng FEF na ayusin o baguhin ang National Economy and Patrimony at Filipino-first provisions ng Saligang Batas.

Kung pag-uusapan naman ang investment, maaaring payagan ng gobyerno ang 100-percent foreign ownership sa larangan ng exploration, development, utilization of natural resources, maging ang industriya ng mass media.

Naniniwala ang Foundation for Economic Freedom, na sa oras na inalis ang economic restrictions sa Philippine Constitution, magkakaroon ng pagkakataon ang mga mambabatas na tumugon sa lumalaking na pangangailangan sa ekonomiya.