Binabaan ng International Monetary Fund (IMF) ang kanilang economic outlook para sa Pilipinas ngayong taon dahil sa mahinang recovery sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, nakikita ng IMF na 5.4 percent lamang ang ilalago ng ekonomiya ng bansa, mas mababa kumpara sa nauna nilang economic growth forecast na 6.9 percent na kanilang inanunsyo sa kanilang World Economic Outlook noong Abril.
Ayon kay Mission Chief Thomas Helbling mabagal ang recovery ng ekonomiya ng Pilipinas sa first half ng 2021 bago nagkaroon ng pickup sa second half ng kasalukuyang taon.
Magugunita na bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas ng 16.9 percent sa second quarter ng 2020, pinakamalalang quarterly performance base sa mga available data mula noong 1981.
sa second quarter naman nga kasalukuyang taon, inilagay sa ilalim ng enhanced community qyarantine ang NCR Plus mula Marso 29 hanggang Abril 11 dahil sa pagsipa sa mga kaso ng COVID-19.
Niluwagan ito sa modified ECQ mula Abril 12 hanggang Mayo 14, at general community quarantine naman mula Mayo 15 hanggang Hunyo 30.
Samantala, para sa susunod na taon, itinaas naman ng IMF ang kanilang economic growth forecast sa 7 percent mula sa dating 6.5 percent lamang.










