Binigyang diin ni Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga noong Martes na ang mga economic cost ay hindi lamang ang konsiderasyon pagdating sa pagpapatuloy ng mga reclamation projects.
Sa isang pahayag, pinanatili ni Loyzaga ang kahalagahan ng paggawa ng mga pinagsama-samang assesment upang matukoy ang mga epekto ng mga nito.
Aniya, ang pinagsama-samang pagtatasa o assessment ng epekto ng reclamation porjects ay magbibigay sa ahensya ng apat na senaryo at magbibigay ng mga input sa mitigation at environment impacts kapaligiran sa iba’t ibang mga sitwasyon.
Sinabi ni Loyzaga na ito ay kasama sa pagsusuri ng regional environmental and urban planning analysis.
Ito ay aniya magbibigay-daan na makita ang estratehikong muling pagpapaunlad o pagdevelop at pag-optimize ng halaga ng lupain.
Ang pahayag ni Loyzaga ay matapos na ipanawagan ni House Committee on Ways and Means chairman Representative Joey Salceda na tanggalin ang suspensiyon ng mga reclamation projects, dahil maaari itong makabuo ng mahigit P24 trilyon na pamumuhunan para sa bansa.