Hinikayat ni United Nations chief Antonio Guterres ang gobyerno ng bawat bansa na pairalin ang kanilang economic responses para masusing talakayin ang usapin tungkol sa climate change.
Sa mensahe ni Guterres para sa ika-50 anibersaryo ng Earth Day ngayong araw, sinabi nito na ang nararanasang COVID-19 pandemic ay ikalawa sa pinaka-malaking pagsubok na hinarap ng mundo matapos ang World War II.
Hindi lamang daw dito natatapos ang kahaharapin na problema ng ekonomiya dahil unti-unti na ring umuusbong ang environmental crisis.
Sa ngayon ay inilunsad na ng mga bansa tulad ng Estados Unidos, China at European governments ang stimulus package ngunit ayon kay Guterres ay naka-focus lamang ito para tulungan ang mga industriya na lubhang naapektuhan ng pandemic at hindi raw para harapin ang banta ng global depression.
Ayon pa kay Guterres, dapat ay gamitin ng gobyerno ang kanilang fiscal firepower upang masimulan na ang paggamit ng “grey to green” economy.
“Where taxpayers’ money is used to rescue businesses, it needs to be tied to achieving green jobs and sustainable growth,” saad ni Guterres.
“Public funds should be used to invest in the future, not the past, and flow to sustainable sectors and projects that help the environment and the climate.”
Samantala, dahil ipinagbawal ang mass gatherings para hindi na kumalat pa ang virus ay nakaisip ang mga green activists ng paraan para ituloy pa rin ang selebrayon ng Earth Day.
Sa pamamagitan ng isang mobile phone application, ay maaaring kumuha ng litrato ang publico at i-upload ito sa app para magbigay ng local data tungkol sa iba’t ibang environmental issues.










