-- Advertisements --

Nagtapos sa pangalawang puwesto si Filipina tennis player Alex Eala matapos talunin siy ni Marina Bassols Ribera sa W60 Madrid.

Sa simula ng laro pa lamang ay hawak na ng Spanish tennis star ang nasabing kalamangan at hindi na pinaporma pa si Eala sa score na 6-4, 7-5.

Dominado ng 22-anyos na si Ribera ang bawat set at hindi na pinayagan pang lumamang ang 17-anyos na si Eala.

Magugunitang tinalo ni Eala si Katherine Sebov ng Canada sa semifinals 6-2, 6-1.