-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Filipina tennis player Alex Eala sa second leg ng W25 Chiang Rai tournament nitong Biyernes.
Ito ay matapos na talunin siya ni Erika Sema ng Japan sa score na 6-3, 2-6 at 6-3.
Dinomina ng 33-anyos na Japanese tennis player ang laro laban sa 16-anyos na Pinay tennis player sa laro na tumagal ng dalawang oras at apat na minuto.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagkampeon si Eala sa first leg ng nasabing torneo.