-- Advertisements --
Maagang nagtapos ang kampanya ni Filipina tennis player Alex Eala sa Madrid Open.
Tinalo kasi agad sa first round ni Tatjana Maria ng Germany sa score na 6-1, 6-1.
Dominado ng ranked 66 na si Maria ang laro kung saan tinapos ang laro sa loob ng isang oras at 10 minuto.
Ito na ang pang-apat na magkakasunod na natalo sa loob ng unang round si Eala kasama na ang Miami Open noong nakaraang buwan.
Nagkaroon kasi ang 17-anyos na si Eala ng wildcard entry sa WTA 1000 Madrid Open kung saan naglalaro ang ilang mga magagaling na manlalaro sa mundo gaya nina world number 1 Iga Swiatek ng Poland at Australian Open champion Aryna Sabalenka.