The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated-Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club Applicant nagpasa ng courtesy call schedule kay Consul General Raly Tejada ng Consulate General of the Philippines- Hong Kong.
Dumulog si Kuya Mar De Guzman ang tumatayong Club President ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated sa ating mahal ng ConGen, para sa pormal na courtesy call schedule upang ipakilala ang mga aplikante ng The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles Inc. sa ating mahal na ConGen. Kasama sa kanyang pagbisita sa ating ConGen ay ang mga membro din Singapore Eagles Club.
Layunin ng mga Philippine Eagles na maipabatid sa ating mahal na ConGen ang pormal na pagtatayo ng Club sa Hong Kong na tatawaging Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club para legitimong makipag ugnayan at maiabot ang adhikain ng Philippine Eagles sa ating mga Kababayang OFW’s at kung sino sino ang mga kababayan natin OFW ang mas higit na nagangailangan ng tulong para sama-samang alalayan ng mga tunay na Pinoy na Agila sa Hong Kong.
Nais ng TFOE-PE Inc. na ang kanilang gagawing hakbang sa HUMANITARIAN SERVICE through strong brotherhood sa ating mga kababayang OFW’s ay maging katuwang ang Philippine Consulate of Hong Kong sa adhikaing ito para mapatunayan na ang kanilang organisasyon ay lehitimong Grupo na laging handang maglingkod sa kapwa tao.
Bombo Report from
Marlon Pantat De Guzman
Hong Kong International Correspondents-Hong Kong
Bombo Radyo Philippines