-- Advertisements --
Mayors LGUs local chief execs

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na kayang labanan ng gobyerno ang banta ng novel coronavirus.

Sa kaniyang ginawang talumpati sa pakikipagpulong sa mga local government executives, sinabi nito na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya para labanan ang pagkalat ng nasabing virus.

Pinuri rin nito ang Department of Health (DOH) dahil sa mabilis na hakbang nito mula ng kumalat ang nasabing virus.

Dagdag pa ng Pangulo, handa nitong pauwiin ang mga Filipino na nasa mga bansang apektado ng virus.

Magpapakalat din aniya ng sundalo kung sakaling magkagulo ang mga tao kung matakot sa paglaganap ng deadly virus.

Duterte speech flag