-- Advertisements --

Luluwagan na ang mga restriksyon sa mga banyaga na nagpapahintulot ng 100% ownership sa kanilang negosyo.

Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-aamyenda sa 85 year old na Commonwealth Act No.146 o ang Public Service Act.

Nakasaad sa batas ang full ownership ng mga dayuhan sa mga piling industriya gaya ng telecommunications, airlines at railways.

Subalit nananatiling restricted pa rin para sa full ownership ang mga foreign nationals sa ibang mga sektor tulad ng public utility vehicles, water, electricity, petroleum pipelines, at seaports.

Naniniwala ang pangulo na sa pamamagitan ng nasabing batas, mas maraming mga global investors ang maeengganyo sa ating bansa, magiging moderno ang ilang sektor sa public service at mapapaganda ang paghahatid ng essential services.

Dagdag pa ng pangulo na makakatulong ito gayundin ang amended Foreign Investments Act para pasiglahin ang ekonomiya lalo na ang mga lokal na negosyo.

Inaasahan din na mas maraming mga trabaho ang magbubukas para sa mga Pilipino, mpapalakas ang basic services at magbibigay daan din ito sa palitan ng skills at technology sa foreign partners ng bansa.