-- Advertisements --
Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging rason nito para sa pagtakbo sa pagka-senador ng 2022 elections.
Sinabi nito na labis na siyang nainis sa ginagawang pag-imbestiga ng mga senador.
Isinagawa nito ang pahayag sa kaniyang talumpati sa inauguration ng integrated seaport development projects sa probinsiya ng MIndoro.
Hindi nito maiwasan na punahin sina Senator Richard Gordon sa ginagawa daw nilang Senate inquiry sa mga nabili ng gobyerno na mga medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corp.
Nakakairita lamang aniya ang ginagawang imbestigasyon ng mga senador kaya nais niya itong baguhin.