-- Advertisements --
Pinayuhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga supporters nila at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na huwag mag-away.
Sinabi nito na nananatiling magkaibigan pa rin sila ng pangulo kaya walang dapat ikabahala.
Ang mga naunang pahayag lamang niya ay payo kay Marcos na huwag ipilit ang People’s Initiative.
Magugunitang pinuna ni Duterte si Marcos dahil sa isinusulong Peoples’ Initiative.