-- Advertisements --
rally demo May 1 covid BMP

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa at lalo pang maitaas ang dignidad ng mga nasa sektor ng paggawa.

Sa mensahe ni Pangulong Duterte ngayong pagdiriwang ng Labor Day, nagpaalala din ito sa hanay ng business sector kaugnay sa kanilang responsibilidad para sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay Pangulong Duterte, tungkulin ng mga private employers hindi lang ang mabigyan ng matatag na career oportunities kundi dapat ding matiyak na makatao at maayos ang working conditions ng kanilang mga empleyado.

Dapat umanong kilalanin na ang masigasig na paggawa ng bawat manggagawang Pilipino ay nagsisilbing pundasyon sa pag-unlad pang lalo ng ating bansa.

Hiling naman ni Pangulong Duterte sa bawat manggagawang Pilipino, sana’y makamit ang ligaya sa mga ibinuhos na panahon sa kanilang naging paggawa at lalo pang umasenso sa buhay na ito.

Duterte facemask COVID AITF
Labor Day