-- Advertisements --
Inaasahang muling magsasagawa ng public address si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Davao City mamayang gabi.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nitong weekend ay umuwi si Pangulong Duterte sa Davao para makasama ang kanyang pamilya.
Magugunitang sa mga nagdaang buwan, ilang beses umuuwi si Pangulong Duterte sa Davao City at doon nagsasagawa ng mga public address.
Inaasahang magbibigay si Pangulong Duterte ng update kaugnay sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic at iba pang mahahalang usapin sa bansa mamayang gabi.