-- Advertisements --
Napili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kilalang negosyante ng Davao na uupo bilang bagong Bureau of Customs.
Si William de Jesus Lima ay siyang napili ng pangulo na papalit kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Agad namang tinanggap ng 63-anyos na si LIma ang nasabing alok ng pangulo.
Itinuturing na ang dahilan ng pagpalit kay Gurero ay ang patuloy na kurapsyon sa ahensiya at ang hindi pag-abot ng collection target.
Magiging pang-apat na Customs commissioner na si Lima na ang mga nauna ay sina Technical Education and Skills Development Authority Director General Isidro Lapeña at Nicanor Faeldon.