-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi katanggap-tanggap para sa interes ng Pilipinas kung totoo na nagkaroon ng ‘gentleman’s agreement’ sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping patungkol sa isyu ng West Philippine Sea.

Tinukoy ng constitutional law expert na si Atty. Antonio La Viña ang usaping nagkasundo umano sina Duterte at Xi na walang ‘troop movements’ sa magkaribal na bansa patungo sa naka-estasyon ng barkong BRP Shiera Madre sa Ayongin Shoal ng WPS.

Sinabi sa Bombo Radyo ni La Viña na maraming nalabag na mga batas si Duterte kung mayroong katotohanan ang ipinapalutang na pahayag ni Atty.Harry Roque na bahagi ng dating administrasyon.

Paalala nito na sa mga upong pangulo na palaging iisipin ng pangkalahatang kapakanan ng taong-bayan at hindi ang kagustuhan ng bansa na nakagawa na ng mga danyos sa mga isla ng West Philippine Sea.

Magugunitang mariing itinanggi ni Duterte ang isiniwalat ni Roque bagkus may namamagitan umano na ‘status quo’ kina Jinping sa usaping BRP Shierra Madre.