-- Advertisements --

Inaasahang magiging abala ang ika-apat na araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

Matapos ang pagdalo sa Valdai Forum at bilateral meeting kay Russian Federation President Vladimir Putin, balik sa kabisera na Moscow ngayong araw si Pangulong Duterte.

Magsisimula ang aktibidad ni Pangulong Duterte sa gagawing wreath-laying ceremony sa Tomb of the Unknown Soldier sa Aleksandrovaky Sad.

Susundan ito ng tour sa Kremlin Palace sa Moscow.

Isa naman sa mga highlights ng aktibidad ni Pangulong Duterte ngayong araw ang pananalita sa Philippines-Russia Business Forum kung saan makakaharap nito ang mga malalaking negosyante sa Russia para hikayating maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Samantala, matatapos ang Day 4 ng official visit ni Pangulong Duterte sa Russia sa panonood ng Philippine Cultural Gala Performance na gaganapin sa Four Seasons Hotel sa Moscow.