-- Advertisements --
Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pagamutan na tumatangging tumanggap ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman.
Kasunod ito sa pagkamatay ng isang pasyente sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija na tinanggihan ng anim na pagamutan.
Ayon sa pangulo na dapat gumawa ng paraan ang mga pagamutan gaya ng paghanap ng mga kuwarto na puwedeng paglagyan ng mga pasyente.
Tiniyak nito na ipapatanggal niya ang lahat ng mga trabahador ng isang pagamutan na inirereklamo.