Kumbinsido si Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) founder Joma Sison na wala ng plano si Pangulong Rodrido Duterte na ituloy ang peace talks sa pagitan ng mga komunistang rebelde at pamahalaan.
Ito’y matapos na hindi banggitin ng pangulo ang issue ng CPP sa nagdaang State of the Nationa Address (SONA).
Ayon kay Sison, tila gusto ng chief executive na ituloy ang giyera para magkaroon umano ito ng rason para maging diktador.
“The prospect of peace negotiations while Duterte is in power is none or vague. It means he doesn’t want peace negotiations. He wants war so he would have a reason for him to be a full-blown dictator.”
Kung maaalala, ibinasura ni Duterte ang peace talks noong 2017 dahil sa patuloy umanong pagpatay ng mga rebelde sa mga pulis at sundalo.
Pero sa kabila nito, tiniyak ng mga opisyal ng gobyerno na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa CPP para maibalik ang usaping pangkapayapaan.
Kamakailan nang mapatay sa isang ambush sa Negros Oriental ang apat na pulis.










