-- Advertisements --
Bong Go and Duterte
Senator Bong Go ang Pres. Duterte

Sasailalim sa coronavirus disease (COVID-19) testing si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng dating aide nito at Senator Christopher “Bong” Go, ito ang napagpasyahan ng pangulo matapos na ianunsiyo ng ilang mga cabinet members na sasailalim sila sa self-quarantine matapos makasalamuha ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Ayon pa sa senador na sasailalim sila sa pagsusuri para matiyak na sila ay “fit and healthy” na makasalamuha ng publiko.

Inanunsiyo rin ng Presidential Security Group na temporaryong isasara ang Malacañang ngayong araw para sa gagawing pag-disinfect laban sa virus.

Nauna rito kinumpirma nina Finance Secretary Carlos Dominguez, DOTr Art Tugade at Senator Nancy Binay at Sherwin Gatchalian na sila ay magpapa-self quarantine matapos na ang taong nakasalamuha nila ay nagpositibo sa COVID-19.

Habang si Manila City Mayor Isko Moreno ay nagpa-self quarantine din pagkagaling nito sa United Kingdom.