-- Advertisements --

Tiwala si Finance Secretary Carlos Dominguez III na mababawasan na ang mahihirap na pamilya sa bansa bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng pagdagdag ng pondo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sinabi pa nito na mula pa noon ay target na ni Pangulong Duterte ang mapababa ng porsyento ng mahihirap sa bansa na mula sa 27.6 percent noong 2015 ay magiging 14 percent na lamang ito sa 2022.

Dagdag pa nito na doble kayod sila ngayon para makamit ang nasabing pagpababa ng bilang ng mahihirap sa bansa.