-- Advertisements --
Nakakuha ng “excellent” satisfaction ratings ang Duterte administration.
Ayon sa inilabas na pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) mayroong +72 ang kasalukuyang administrasyon.
Mas mataas ito kumpara noong Disyembre 2018 na mayroon lamang +66.
Isinagawa ang nasabing survey mula March 28-31 kung saan nagpapakita ng 81 percent ng mga Filipino ay kuntento sa administrasyon.
Mayroong 1,440 na mga adults kung saan tig 360 respondents ang tinanong sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.










