-- Advertisements --

Pinatawan ng NBA ng multang $25,000 o katumbas ng P1.2 milyon si Brooklyn Nets star Kevin Durant.

Ito ay dahil sa ginawang pagmumura at pagsasambit ng masasamang salita sa isang fan.

Nangyari ang insidente sa natitirang 9.4 seconds ng second quarter ng matalo ng Dallas Mavericks ang Nets 113-111.

Sa nasabing laro ay nasayang ang ginawang 23 points, 10 assists at anim na rebounds ni Durant.