-- Advertisements --

Kulang man sa players hindi pa rin kinaya ng Utah Jazz ang puwersa ng Brooklyn Nets, 114-106.

Binitbit kasi ni Kevin Durant ang Nets gamit ang 37 points, nine rebounds at walong assists.

Ito ay sa kabila na wala sina Kyrie Irving at Ben Simmons.

Ito na ang ikaanim na panalo ng Brooklyn mula sa pitong huling mga laro.

Habang naputol ang tatlong sunod-sunod na panalo ng Jazz (45-27).

Malaking tulong din sa Nets (38-34) si Bruce Brown na may 22 points para manatili pa rin ang team sa eighth place sa Eastern Conference.

Sa panig ng Jazz, nanguna muli si Donovan Mitchell na may 30 points, samantalang sina Jordan Clarkson ay nagdagdag ng 19 at si Mike Conley ay may 18 puntos.