-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Brooklyn Nets star Kevin Durant.

Ayon sa koponan na nagtamo si Durant ng injury sa kaniyang kanang tuhod.

Natamo nito ang injury ng magkabanggaan sila ni Jimmy Butler ng Miami Heat sa third quarter.

Lumabas sa scan nitong Lunes na nagtamo siya ng ligament sprain.

Bago makapaglaro pagkatapos ng dalawang linggo ay susuriin muna itong mabuti.

Mayroong average na 30 points ang 34-anyos na si Durant kabilang ang 6.7 rebouds at 5.3 assists sa kada laro.