-- Advertisements --

Patuloy ang pagdepensa ng Department of Health (DOH) kasunod ng mga ibinabatong sisi dahil sa mataas na kaso ng dengue sa bansa.

Sa budget hearing sa Kamara, inamin ni Health Sec. Francisco Duque III na umabot sa higit P140-million ang ginastos ng ahensya mulan ng ideklara ang National Dengue Epidemic nitong buwan.

Hinati raw ang pondo para sa quick respond fund na P80-million dahil ginamit ito ng mga local government unit na labis na naapektuhan ng sakit.

Bagamat nagdulot ng takot, nakatulong naman daw ang deklarasyon ng epidemic para mapaigting ang koordinasyon ng DOH at LGUs sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Batay sa huling datos ng DOH nasa halos 210,0000 ang bilang ng mga nagka-dengue mula Enero hanggang nitong Agosto sa buong bansa.

Mas mababa raw ito kumpara sa bilang na naitala sa parehon period noong 2017.

Nasa 4-percent naman umano ang nasawi dahil sa dengue.