Itinanggi ni Health Sec. Francisco Duque ang mga alegasyong pinaboran umano niya sina Sen. Koko Pimentel at asawa nito na napabalitang may nilabag sa panuntunan ng Makati Medical Center sa gitna ng krisis sa COVID-19.
BASAHIN: DOH statement sa pagkakasangkot ni Sec. Francisco Duque sa “breach of protocols” ni Sen. Koko Pimentel sa Makati Medical Center. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/FcsBnB0Va6
— Christian Yosores (@chrisyosores) March 26, 2020
“The Department of Health forcefully reiterates that all PUIs and PUMs must stay at home. The public’s safety relies on everyone’s discipline in abiding by our quarantine protocols to protect the public, especially our health workers and frontline from undue exposure.”
Nilinaw ni Duque na hindi niya tinawagan ang pamunuan ng ospital para pakiusapang i-admit sa kanila ang mag-asawang Pimentel.
“Walang katotohanan. Hindi ako tumawag sa Makati Medical Center para makiusap na kanilang tanggapin ang asawa ni Sen. Pimentel.”
Nanawagan naman ang kalihim sa publiko na sundin ang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine bilang measure na nakikita ng gobyerno para hindi na kumalat ang pandemic virus.
“Ako ay nananawagan sa lahat. Kritikal na lahat tayo lalo na ang PUIs at PUMs na manatili sa mga tahanan para maging matagumpay ang Enhanced Community Quarantine at mapababa ang bilang ng positive.”