BAGUIO CITY – Duguan at wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng kanyang boarding house sa Palma St., Baguio City.

Nakilala ito na si Arnel Cube Aquino, 32-anyos at isang call center agent.

Ayon kay Pol. Major Francisco Cacas, station Commander ng Baguio City Police Office Station 9, ilang araw nang hindi sumasagot ang biktima sa mga tawag ng kanyang kapamilya kaya’t nagdesisyon ang kanyang kapatid na si Marie Joy Aquino Boncodin na bisitahin ito sa kanyang boarding house.

Sa pagbisita ni Bancondin ay natuklasan niyang nakakandado ang kwarto ng kanyang kapatid kaya’t nagpatulong ito sa landlady.

Dito nila nakita ang duguang bangkay ng lalaki na nabalot ng unan at kumot.

Ayon kay Cacas, malaki ang posibilidad na kilala ng biktima ang pumaslang sa kanya.

Nagpapatuloy ang imbestigasion ng BCPO para matuklasan at mahuli ang salarin.