ILOILO DUGONG BOMBO
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isa na namang yugto ng Dugong Bombo ang matagumpay na naidaos ng Bombo Radyo Iloilo.

Ang nasabing blood letting activity ay bunga ng pagtutulungan ng local government unit ng Concepcion, Iloilo at Philippine Red Cross.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Engr. Jhon Rey Asturias, Municipal Disaster Risk Reduction & Management Officer at blood coordinator sa Concepcion, Iloilo, sinabi nito na bawat barangay sa nasabing bayan ay nagpadala ng mga blood donor.

Maliban dito, sumama rin sa Dugong Bombo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries at Livelihood Assistance Grant beneficiaries.