-- Advertisements --

Plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na maglabas ng draft executive order para magbigay ng incentive scheme at makahikayat sa mga manufacturere at paggamit ng mga electric vehicles.

Ayon kay Trade Undersecretary Rafaelita Aldaba, na maaring ngayong taon ay matapos ang draft EO para maipresenta ito agad kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa nito na ang incentive schemes ay para magkaroon ng mataas na kapasidad at kakayahan na makagawa ang mga local e-vehicles manufacturers na panlaban sa ibang bansa.

Sa pagtaya ng DTI ay nasa apat na milyon na mga electric vehicles ang magagawa sa bansa sa loob ng 10 taon.