-- Advertisements --
tao

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry ang publiko na mag-adjust ng diet.

Ito ay sa harap na rin ng patuloy na pagsipa ng presyo ng bigas sa mga merkado sa buong bansa.

Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual, marami ang mga pwedeng gawin o gamiting alternatibo ng bigas, katulad ng puting mais at mga kamote.

Inirekomenda rin ng kalihim na paghaluin ang mais at bigas upang mapababa ang gastos.

Katwiran ng kalihim, mas mababa ang presyo ng puting mais, kumpara sa presyo ng bigas.

Kung hindi naman maiiwasan aniya, maaaring mag-adjust ang mga Pilipino sa kanilang mga diet ay kumain ng ‘in moderation’ lamang at huwag magsayang ng mga kanin.

Ayon sa kalihim, makakatulong ito upang mapababa ang food wastage o volume ng mga nasisirang pagkain, habang nakakatipid din sa gastusin.

Sa kasalukuyan, pumapalo na sa P40 hanggang P50 ang presyuhan ng kada kilo ng palay sa mga merkado sa bansa.