-- Advertisements --
Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamamayan sa pagbili ng kanilang ihahandang Noche Buena.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo na dapat mamili ang mga ito ng simple, mura at mabigat na ihahanda.
Dagdag pa nito na may mga ibang food itmes na hindi tumutugma sa bigat kung saan ang mas mabigat na mga items ay minsan ito pa umano ang mura.
Sa inilabas kasi na mga price list ng mga Noche Buena goods ay karamihans a mga madalas na binibili ay nagtaas na ng presyo.
Payo pa nito na dapat maging mapili ang mga mamamayan para makatipid ngayong Holiday season.