-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hinihinging taas-presyo ng mga manufacturer ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi ni DTI undersecretary Ruth Castelo, na nasa 2 hanggang 13 porsyento ang taas-presyong hinihiling ng mga manufacturer n mga de-lata, gatas at mga condiments o mga iba’t-ibang uri ng sawsawan.
Nangangahulugan aniy nito na maglalarao mula P0.50 hanggang P2.00 ang itataas sa kada produkto.
Noon pa aniya Setyembre ng ipinasa ng mga manufacturers ang mga petisyon sa nasabing taas presyo.