-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit silang nakabantay sa mga magsasamantala ng pagtaas ng presyo ilang araw bago ang Pasko.

Kasunod ito sa naging banta ng supermarket associations ng posibleng pagtaas ng presyo ng mga Noche Buena products.

Paliwanag ng grupo na magtataas sila ng presyo matapos na naubos na ang kanilang stock at napipilitan na rin silang bumili sa ibang manufacturers maliban pa sa kanlang regular na suppliers.

Sinabi pa ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na babantayan nila mabuti ang presyo kung mayroong biglang pagtaas ng nasabing presyo.

Hinikayat din ng DTI na magsumbong sa kanilang ahensiya ang sinumang negosyante na magtataas ng kanilang presyo.