CENTRAL MINDANAO- Mahigpit na nagmamatyag ang Department of Trade and Industry (DTI North Cotabato) sa mga nagtitinda ng construction materials sa lalawigan
Maliban sa pagmonitor ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain at mga basic commodities ay mahigpit din ang pagbabantay ng Department of Trade and Industry sa mga substandard na construction materials na pumapasok sa probinsya.
Ayon kay DTI Provincial Director Ferdinand Cabiles, bago paman nagpalabas ng kautusan si Presidential Anti- Corruption Commission o PACC Commissioner Manuelito Luna ay hinigpitan na nila ang kanilang monitoring sa lahat ng mga materyales sa pag gawa ng bahay o anumang gusali.
Maraming kabahayan at mga istrutura ang nasira sa tatlong magkasunod na lindol sa probinsya ng Cotabao ay dahil sa pag gamit ng mga substandard materials.
Sinusuri ng DTI-Cotabato ang mga nagtitinda ng semento, steel bars, GI sheets, pako at iba pa na may sinusunod na mandatory standard.
Nilinaw din ni Cabiles na hindi na kabilang dito ang “Kalakat” dahil ito ay locally.
Ang mga mahuhuling negosyante na nagtitinda ng substandard materials ay posibleng matanggalan ng business permit o sasampahan ng kaso.










