-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 06 12 42 05

Nagpaliwanag ang Department of Trade and Industry (DTI) kasunod ng kanilang pag-apruba sa dagdag presyo ng ilang pangunahing produkto.

Sa isang panayam sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez, sanhi ito ng pagtaas din sa presyo ng mga materyal na ginagamit ng manufacturers.

Bukod dito, nakaapekto rin daw ang paggalaw sa presyo ng mga gasolina, gayundin na matagal na itong hinihirit ng mga kompanya.

Batay sa bagong listahan ng suggested retail price (SRP) ng DTI, maglalaro sa P0.30 hanggang P1 ang itataas ng presyo ng mga lokal na brand ng sardinas.

Habang P1.50 naman ang sa mga premium brand.

Nasa P0.20 hanggang P0.45 naman ang increase sa mga instant noodles.

May pagtaas din sa presyo ng mga sawsawan gaya ng patis, toyo at suka na nasa P0.85.

Samantalang P2.50 hanggang P11 ang madagdag sa SRP ng mga kandila depende sa brand.

Sa ngayon patuloy daw ang monitoring ng DTI sa higit 200 stock keeping unit ng ilang supermarket para matiyak na masusunod ang panuntunan sa implementasyon ng bagong SRP.

Inaasahan daw kasi na sa katapusan pa ng linggo mararamdaman ang increase sa presyo ng mga produkto.