Inihayag ng DTI na makikinabang ang Philippine Coconut exporters ng virgin coconut oil at coconut flour sa export marketing at market linkages training na ipatutupad mula Abril hanggang Disyembre 2023.
Ang anunsyo ay ginawa kamakailan sa virtual launching ceremony ng training program na dinaluhan ng kabuuang 55 mga piling exporter, national trainers at government representatives.
Ang kaganapan ay nakinabang sa partisipasyon ng mga public at private partner institution, kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI), ang Department of Agriculture (DA), Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL), ang Philippine Coconut Authority (PCA), European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP), World Intellectual Property Organization (WIPO), Virgin Coconut Oil Producers and Traders Association of the Philippines (VCOP) gayundin ang Women’s Business Council Philippines (WBCP).
30 piling Philippine micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ang tatanggap ng technical support para bumuo ng export brand.
Batay sa Export Potential Assessment on the Philippines na isinagawa ng International Trade Center (ITC), ang mga produkto ng niyog ay isa sa pinakamataas na potensyal sa pag-export sa mga agri-based na produkto na iniluluwas ng Pilipinas.
Sa pamamagitan ng training at coaching, ang mga micro, small, and medium enterprises sa Pilipinas ay gagabayan ng mga local at international experts sa pagbalangkas ng kanilang mga plano sa marketing sa pag-eexport ng nasabing produkto.