-- Advertisements --
Magbibigay ng tulong pangkabuhayan at pautang sa mga maliliit na negosyante na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, na inaayos na nila ang nasa P50 million na pautang sa mga apektadong negosyante.
Ayon pa sa kalihim na handa na silang magbigay ng P7,000 hanggang P10,000 bilang livelihood assistance sa mga pumasa sa kanilang assesment.
Una ng nagbigay ng P25,000 na pautang ang Department of Agriculture sa mga naapektuhang biktima na babayaran sa loob ng tatlong taon.










