Kumpiyansa ang Department of Trade and Industry na magdadala ng mas maraming trabaho sa ating bansa ang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bansang Vietnam.
Sabi ni Trade Undersecretary Maria Bianca Kim Bernardo-Lokin, layunin ng pagbisitang ito ni President Marcos sa nasabing bansa ay ang paglagda sa kasunduan kasama ang Vietnam na tinatarget na i-modernize ang agrikultura ng ating bansa.
Dahil dito ay inaasahan ngayon ng ahensya na magdadala ito ng mas maraming partners sa Pilipinas na makakatulong na gawing moderno ang ating agrikultura, at maging sa pagtupad sa 8-point socio economic agenda ng pamahalaan.
Samantala, bukod dito ay umaasa rin DTI na magkakaroon ito ng pagkakataon na makausap ang iba’t-ibang mga investors mula sa iba’t-ibang mga sektor.